Linggo, Hunyo 23, 2013

+++Guys anu masasabi mu dito sa isyu tungkol sa gay theme na show ng Gma+++CBCP sa producers, writer ng “My husband’s lover”: Maging kritikal at sensitibo byJocelyn Tabangcura-DomendenJun 23, 2013 10:22am HKT MAGINGkritikal at sensitbo sa ginagamit na tema sa mga palabas sa telebisyon. Ito ang pahayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth executive secretary Fr. Kunegundo Garganta sa producers at writers kaugnay sa palabas sa telebisyon na“My Husbands Lover”. Sinabi ng pari, ang tema ng mga palabas nanakabatay sa moralidad na pinapahalagaanng lipunan ay dapat na pag-aralang mabuting mga producer, writer at TV networks. Sinabi ng pari na mahalagang magkaroon ng guidelines sa tema na sinusundan ang mga gumagawa ng teleserye o anumang palabas sa telebisyon na pinapanood ng publiko partikular na ang mga bata. Binigyan diin ni Fr.Garganta na ang prevention aspect o component na nangangalaga sa sensitivity ng mga palabasay kailangang magsimula sa institusyon na may gawa ng mga palabas. Hinimok din ng pari ang mga TV networks na ikunsedera din ang implikasyon o impakng kanilang palabas sa kamalayan ng mga manonood o TV viewers. “Malaking pag-aaral ang dapat na gawin sa mga bagong teleserye tulad ng “My Husband’s Lover” na sana maisa-alang-alang na nasa isang bansa tayo na mayroong kultura na pinapahalagahan angusaping moral o mga bagay na saklaw ng moralidad.Ito ang dapat na isaalang-alang ng mga gumagawa ng teleserye,” pahayag ni Fr.Garganta sa panayam sa radyo. Aminado naman si Fr.Garganta na mayroong demokrasya o kalayaan ang lahat ng tao na dapat namang gamitin ng tema hindi lamang ang hangaring kumita.+++

http://www.remate.ph/2013/06/cbcp-sa-producerswriter-ng-my-husbands-lover-maging-kritikal-at-sensitibo/#.UcbjPl18uo8

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento